Posts

Showing posts from July, 2014

Agosto

Image
            A ng buwan ng Agosto ay ikawalong buwan ng taon. Ang mga taong ipinanganak mula Agosto 1 hanggang Agosto22 ay nasa zodiac sign na Leo at mula Agosto 23 naman hanggang Agosto 31 ay nasa zodiac sign na Virgo. Ayon sa mga astrologers , kilala ang mga Leo sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, mapagbigay, matapat at maraming pangarap sa buhay. Ang mga Virgo naman ay kilala sa pagiging matulungin, mapagmasid, maaasahan at matapat.           A ng salitang ‘ august ’ay ginagamit din bilang pang-uri o salitang naglalarawan sa Ingles na may kahulugang kagalang-galang o kapita-pitagan.           A ng Agosto ay ginagamit ding pangalan sa mga batang lalaki. Sa salitang Latin, ang kahulugan nito ay ‘dakila’ o ‘marangal’. Maaari rin itong gamitin bilang pangalan ng batang babae bilang Augusta. Ang mga sikat na tao sa sinaunang panahon na may panagalang ganito ay ang iskultor na si Auguste Rodin at ang pintor na si Auguste Renoir .       S a mga paaralan sa Pilipinas, sa buwan n