Agosto
Ang buwan ng Agosto ay ikawalong
buwan ng taon. Ang mga taong ipinanganak mula Agosto 1 hanggang Agosto22 ay nasa
zodiac sign na Leo at mula Agosto 23 naman hanggang Agosto 31 ay nasa zodiac
sign na Virgo. Ayon sa mga astrologers, kilala ang mga Leo sa pagkakaroon ng
tiwala sa sarili, mapagbigay, matapat at maraming pangarap sa buhay. Ang mga
Virgo naman ay kilala sa pagiging matulungin, mapagmasid, maaasahan at matapat.
Ang salitang ‘august’ay ginagamit
din bilang pang-uri o salitang naglalarawan sa Ingles na may kahulugang kagalang-galang
o kapita-pitagan.
Ang Agosto ay ginagamit ding
pangalan sa mga batang lalaki. Sa salitang Latin, ang kahulugan nito ay ‘dakila’
o ‘marangal’. Maaari rin itong gamitin bilang pangalan ng batang babae bilang
Augusta. Ang mga sikat na tao sa sinaunang panahon na may panagalang ganito ay
ang iskultor na si Auguste Rodin at ang pintor na si Auguste Renoir.
Sa mga paaralan sa Pilipinas, sa
buwan ng Agosto ipinagdiriwang ang Buwang ng Wika. Ito ay bilang pagpapahalaga
sa kaarawan ni Gat. Manuel L. Quezon na siyang tinaguriang Ama ng Wikang
Pambansa na nagdiriwang din ng kaarawan sa petsang Agosto 19.
Sa buwan ng Agosto rin
iminumungkahi sa Kongreso na ilipat ang simula ng araw ng pasukan sa mga
paaralan mula sa ginagawa at nakasanayan na nitong buwang ng Hunyo. Ito ay
dahilan sa mga nararanasang pag-ulan at minsan ay pagbagyo sa mga buwang ng Hunyo at Hulyo. Ito rin ay
bilang pakikisabay sa karamigang bansa sa buong mundo na sa buwan din ng Agosto
nagpapasimula ng kanilang pasukan. Maraming sumasang-ayon sa ganitong pagbabago
ngunit marami rin ang sumasalungat.
Sa Pilipinas, mayroon ding
tin atawag na ‘tag-Agosto’ sa ilang mga probinsiya tulad ng Batangas, sa mga
lugar sa Bikol at iba pang pangkat etniko. Ito ay ang tradisyunal na
nararamdamang malubhang kahirapan o paghihikahos ng mga tao tuwing sasapit ang
buwang ito. Maipapaliwanag ito sa kadahilanang sa buwang ito talaga umiepekto
ang kakapusan sa mga maikakalakal na produkto dahil sa mga bagyong sumalanta sa
kanilang kabuhayan dahil sa mga pag-ulan at pagbagyo sa mga naunang buwan ng
Hunyo at Hulyo. Ang ‘tag-Agosto’ rin ang isa sa mga idinadahilan ng mga grupong
sumasalungat na gawing Agosto ang simula ng pasukan.
Ang buwang ng Agosto ay katulad
rin ng ibang buwan sa buong taon. Hitik sa mga pangyayaring ating inaalaala at
ipinagdiriwang. Marami rin itong mga pangyayaring nakaukit na sa ating
kasaysayan magaganda man o hindi. Sa ating buhay, ang buwang ito ay punong-puno rin ng pakikipagsapalaran-
kasiyahan o pagsubok man.
Comments